4 arestado sa P.6-M droga

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Harold Depositar, hepe ng Sariaya PNP, nagsagawa ng buy-bust operation ang grupo ni P/Senior Insp. Fernando Reyes III kasama ang mga operatiba ng PAIDSOTF sa nirerentahanang bahay ni Lyka Zamora. Philstar.com/File

QUEZON, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng apat-katao matapos na makum­piskahan ng P.6 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Guisguis, bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Kim Anthonyn Porras, 26; Adgar Abas, 20; Christian Montecer, 18; at si Lyka Zamora, 26, habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Kien­na Porras ng Barangay Mangilag Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Harold Depositar, hepe ng Sariaya PNP, nagsagawa ng buy-bust operation ang grupo ni P/Senior Insp. Fernando Reyes III kasama ang mga operatiba ng PAIDSOTF sa nirerentahanang bahay ni Lyka.

Gayon pa man, nakahalata si Lyka kaya mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo kung saan nasamsam naman ang 14 plasctic sachet ng shabu (P672,600) at ang P4,680 cash.

 

Show comments