Magsasaka kisay sa kuryente

CATANAUAN,QUEZON, Philippines - Patay ang isang magsasaka makaraang makuryente ng inaayos nitong kable sa pag-aakalang walang dumadaloy na kuryente kamakalawa ng umaga sa Sitio Bagobasin, Barangay Anusan. Ang biktima ay si Jayson Peregen, 29, may-asawa ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga habang kinukumpuni  ng biktima ang nakalawit na kable ng kuryente ng QUEZELCO sa labas ng kanilang bahay nang maganap ang insidente. Sa pag-aakalang patay na ang main switch at wala nang dumadaloy na boltahe,  humawak ang biktima sa dulo ng kable subalit biglang umusok ang katawan at bumagsak sa lupa.

Show comments