MANILA, Philippines - Muli na namang nagalboroto ang bulkang Kanlaon sa Negros.
Ito ay bunga ng naitalang pagbuga ng abo mula sa bunganga ng bulkan kahapon ng alas- 5:13 ng umaga.
Ang bulkang Kanlaon ay huling nagbuga ng usok at abo noong November 23.
Nakapagtala din ang naturang bulkan ng volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras.
Patuloy namang ipinagbabawal ng Phivolcs ang paglapit ng mga tao sa paligid ng 4 kilometer danger zone sa paligid ng naturang bulkan.