Parking boy inutas ng vendor

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 19-anyos na parking boy matapos itong saksakin nang nakaalitang vendor dahil sa nawalang piso sa Barangay Poblacion, bayan ng Santa Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Naisugod sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital subalit namatay habang ginagamot ang biktimang si Val Rebato ng Saint Martha Homes sa Barangay Batia sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Nasakote naman ang suspek na si Deogracias Briz, 65, tindero at nakatira sa Brgy. Poblacion sa nasabing bayan. Ayon kay PO3 Jonathan Mañacap, nagtitinda ang suspek nang lapitan at komprontahin ng biktima kaugnay sa nawawalang piso. Nagalit ang suspek sa tinuran ng biktima kaya inundayan nito ng saksak sa tiyan. Isinugod naman sa nasabing ospital ang biktima isubalit namatay din ilang oras habang naaresto naman ang suspek.

Show comments