CAVITE, Philippines – Namatay 39-anyos na canteen cashier habang kritikal naman ang kasama nito makaraang masagasaan ng SUV jeep sa Governors Drive, Barangay Manggahan sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na sina Alejandra Reyes ng Purok 5, Brgy. Balete 2nd sa bayan ng Silang Cavite habang malubhang ginagamot sa ospital si Sophia Reyes, 47, canteen cook, ng Barangay Sabutan sa bayan ng Silang, Cavite. Arestado naman ang driver na si Erlando Sadsad, 58, ng #166 Barangay Paradahan 2 sa bayan ng Tanza, Cavite. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, magkasamang tumatawid ang mga biktima sa nasabing highway mula sa pabrika nang masalpok ng Nissan Wrangler jeep (XTK-529) na minamaneho ni Sadsad.