Trader itinumba sa inuman

QUEZON, Philippines – Napatay ang 40-anyos na trader matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa pag-aaring farm sa Lanite Street, Barangay Pahinga Norte sa bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala ang cal 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Gerry Pondevida, may-asawa habang tumakas naman ang gunman na naka-camouflage na jacket at khaki na short. Sa ulat ni P/Supt. Art Brual Jr., hepe ng Candelaria PNP, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan nang dumating at pagbabarilin ng gunman. Wala namang pumigil sa pamamaril sa takot na madamay habang naglakad lamang palayo sa crime scene ang gunman.

Show comments