Mag-utol dinedo sa inuman

Kinilala ni case investigator SPO1 Renato Dinamling ang mga napatay na sina Bryan Habbiling, 28; at Larry Frit Habbiling, 25, mga nakatira sa Barangay Mompolia sa bayan ng Hingyon, Ifugao.? Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bumulagta ang magkapatid na minero makaraang pagbabarilin ng kainumang minero na nai­rita sa kanilang kayabangan sa mine site ng Sitio Balconi, Barangay Runruno, bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya kamakalawa. ?

Kinilala ni case investigator SPO1 Renato Dinamling ang mga napatay na sina Bryan Habbiling, 28; at Larry Frit Habbiling, 25, mga nakatira sa Barangay Mompolia sa bayan ng Hingyon, Ifugao.?

Nadakip naman sa bahay ng kaanak sa bayan ng Bayombong ang suspek na si Rolly Tayaban Bango, 30, ng Barangay Tapao sa bayan ng Nagtipunan, Quirino. ?

Lumilitaw na lango sa alak ang tatlo at iba pa nilang kainuman nang mayabangan si Tayaban sa pagmamalaki ng magkapatid na mga dati silang bilanggo.?

Upang patunayang hindi sasantuhin ng kanyang baril ang kaangasan ng dalawa ay niratrat sila ni Tayaban sa harap ng mga kainuman at nagulantang saka tumakas.?

Hindi naman narekober ng pulisya kay Tayaban ang ginamit na cal.45 pistol na ginamit sa krimen.

Show comments