2 dalagita nalunod sa Cotabato river

MANILA, Philippines – Patay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang dalawang dalagitang naiulat na nawawala matapos lumangoy sa isang ilog sa Arakan, North Cotabato kahapon.

Natagpuan ang bangkay ng 13-anyos at 14-anyos na mga dalagita sa Tinanan River sa Barangay Santo Niño  sa Arakan.

“The children went to the river for a swim. They both got drowned unfortunately,” pahayag ni Senior Superintendent Bernard Tayong, tagapagsalit ng North Cotabato provincial police.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente upang malaman kung ano ang tunay na nangyari.

“We have asked the classmates of the victims to help shed light on the incident,”dagdag niya.

Show comments