Biyenan utas sa manugang

BULACAN, Philippines – Napatay ang 66-anyos na biyenan matapos itong mapatay ng kanyang manugang na lalaki habang nag-iinuman sa kanilang bahay sa Sitio Pila, Barangay Catmon sa bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw. Hindi na umabot pa ng buhay sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital si Rogelio Gatchalian na sinasabing nabasag ang bao ng ulo habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Michael Canlas, 37, ng nasabing barangay. Base sa imbestigasyon ni PO3 Joey Cabarles, nag-iinuman ang biktima at suspek nang sumiklab ang mainitang pagtatalo kung saan itinulak ng manugang ang matandang biyenan. Nabagok ang ulo ng biktima sa sementadong sahig saka nangisay kung saan naging saksi sa insidente ang traysikel driver at dalawang menor-de-edad.

Show comments