Mag-asawa nilikida

PAMPANGA, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang trader matapos pagbabarilin ng riding-in tandem gunmen sa Barangay San Vicente sa bayan ng Sto. Tomas, Pampanga kamakalawa ng umaga. Sa report na nakarating kay P/Chief Supt. Rudy Lacadin, PNP regional director, kinilala ang mag-asawa na sina  Isagani Pineda, 35; at Michelle Pineda, 36, may-ari ng auto repair shop at nakatira sa nasabing barangay. Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na abala sa pagkukumpuni ng owner-type jeep si Isagani sa pag-aaring talyer nang at ratratin ng tandem bandang alas-7 ng umaga. Gayon pa man, tinangkang labanan ni Michelle ang gunman subalit maging siya ay pinutukan at napatay. Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

 

Show comments