2 todas sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Dalawa-katao ang namatay habang apat naman ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Benguet, kamaka­lawa. Pisak ang ulo ni Fernando Saldo matapos sumalpok ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na truck ni Arvin Sawangin sa Irisan, Baguio City. Samantala, nakikipagbuno kay kamatayan ang angkas na utol na si Stephen Saldo. Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol si Saldo sa pabulusok at kurbadang daan nang salpukin nito ang kasalubong na truck. Sumuko naman si Sawangin sa pulisya matapos ang insidente. Samantala, namatay naman si Jomel Palada na nagmula sa inuman nang sakpukin ng kanyang motorsiklo ang poste ng kuryente sa Barangay Bangao sa bayan ng Buguis, Benguet. Namatay habang ginagamot sa Lutheran Hospital si Palada habang kritikal naman ang mga kaangkas na sina Charlie Paran, 23; Judy Ann Libagen, 18; at si Rosalie Fudayan, 18.

Show comments