Magtatay piñata habang naliligo sa ilog

MANILA, Philippines – Malagim ang sinapit na kamatayan ng isang Brgy. Secretary at anak nitong lalaki matapos na sila ay pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakilalang lalaki na nakamaskara habang naliligo sa ilog sa Brgy.Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental kahapon ng umaga.

Ang nasawing mag-ama ay kinilalang sina Feliciano Felipe Lasawang, 68; at anak nitong si Darwin Lasawang, 23, miyembro ng Brgy, Police Action Team (BPAT).

Kapwa natadtad ng mga tama ng bala  ng shotgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-ama na siyang agarang kumitil sa buhay nila.

Sa ulat ni Sr. Supt. Dario Gunabe, Acting Provincial Police Director,  naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga habang naliligo sa ilog ng Sitio Kalongkongan, Brgy. Culaman ng nasabing bayan ang mag-ama.

Bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga suspek na nagtatago sa damuhan sa may pampang ng ilog.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos na mapaslang ang mag-ama.

 

Show comments