Parak, kapitbahay todas sa away-bata

Kapwa dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa katawan sina PO1 Abdelhan Inggilan, 47-anyos, nakatalaga sa Siasi Municipal Police Station  at Haimer Alih, 35-anyos, kapitbahay ng nasabing parak. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang away ng mga paslit na bata matapos na magduwelo ang kanilang mga ama  kabilang ang isang pulis sa madugong insidente sa Brgy.Tetuan, Zamboanga City nitong Bi­yernes ng gabi.

Kapwa dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa katawan sina PO1 Abdelhan Inggilan, 47-anyos, nakatalaga sa Siasi Municipal Police Station  at Haimer Alih, 35-anyos, kapitbahay ng nasabing parak.

Sa ulat, sinabi ni Chief Ins­pector Joel Tuttuh, spokesman ng Zamboanga City Police, naitala ang insidente sa Candido Drive, Brgy. Tetuan ng lungsod kung saan magkapitbahay ang dalawang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng komprontas­yon sa pagitan nina Inggilan at Alih dahilan sa alitan ng kanilang mga anak na paslit na anak na kapwa nagsumbong sa kanilang mga ama.

Sinasabing, isa sa mga paslit ay binully na nauwi sa suntukan ng mga bata na labis na ikinagalit ng kanilang mga ama na kani-kaniya ng kampi sa kanilang mga anak.

Sa kainitan ng pagtatalo ay kapwa nagbunot ng baril ang dalawa at nagbarilan na kapwa duguang bumulagta ay nasawi noon din.

Show comments