2 wanted sa krimen, arestado

PAMPANGA, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng dalawang wanted sa krimen matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa bayan ng San Simon, Pampanga kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni P/Chief Insp. Jose Chalmar Gundaya na  isinumite sa Camp Olivas, kinilala ang dalawang suspek na si Jaypee Pasion y Asuncion, 35, ng  Barangay San Isidro; at Argee Sagmit y Pangilinan, 26, kapwa may asawa at nakatira sa Barangay Sta. Monica. Nasakote ang dalawa sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Araceli R. Soñas-Crisostomo, ng 5th Municipal Circuit Trial Court, Apalit at San Simon, na may petsang November 5, 2015. Wala namang piyansang inirekomenda sa dalawang akusado.

Show comments