Dating Iloilo Gov. Tupas Sr. pumanaw na

Dating Iloilo Gov. Niel Tupas Sr. US Navy photo

MANILA, Philippines – Sa edad na 82 ay pumanaw na si dating Iloilo Gov. Niel Tupas Sr. ngayong Martes dahil sa sakit.

Ganap na 1:35 ng umaga binawian ng buhay si Tupas sa Philippine Heart Center sa Quezon City kung saan halos isang buwan siya na-confine.

“At 1:35am this morning November 24,2015, our dearest tatay, Niel D. Tupas Sr., returned to his Creator. He is now at peace with God. Thank you for all your love, prayers, and support. We love you, tatay. You will always live in our hearts,” pahayag ni Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., anak ni Tupas Sr. sa kaniyang Facebook account.

Ayon sa mga ulat, sa Loyola Memorial Chapels sa Quezon City ibuburol ang mga labi ng dating gobernador.

Magdiriwang sana ang nakatatandang Tupas ng kaniyang kaarawan sa Biyernes.

Nanilbihan bilang gobernador si Tupas noong 2001 at 2010, habang naging kinatawan naman siya ng Iloilo noong 1987 hanggang 1998.

 

Show comments