Nene pisak sa gumuhong riprap

Napag-alamang nagpapakain ng mga alagang manok ang biktima nang biglang gumuho ang riprap at natabunan ito. Bernardo Batuigas

MANILA, Philippines – Patay ang 9-anyos na nene makaraang mabagsakan nang gumuhong riprap sa  Barangay Bagong Nayon sa Antipolo City, Rizal noong Sabado ng hapon. Sa ulat ng Antipolo PNP, naganap ang insidente sa bahay ng biktimang si Erica Kim Paclibar ng Sitio Kasapi sa nabanggit na bayan. Napag-alamang nagpapakain ng mga alagang manok ang biktima nang biglang gumuho ang riprap at natabunan ito. Inabot ng anim na oras ang search and rescue operation bago tuluyang narekober ang bangkay ng bata. Ayon kay Xavier Baldoz, officer-in-charge ng Antipolo-CDRRMO, hindi bababa sa limang kabahayan ang natabunan ng gumuhong riprap. Inaalam pa ng pulisya kung ang road-widening project ang isa sa posibleng dahilan nang pagguho.

Show comments