3 niratrat ng tandem, dedo

3 niratrat ng tandem, dedo

MANILA, Philippines – Tatlo-kataong magkakaangkas sa motorsiklo ang napatay matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay Pandan, bayan ng Lambunao, Iloilo kahapon ng madaling araw.

Naisugod sa Ricardo Lad­rido Memorial District Hospital subalit idineklarang patay sina Alex Acopio, 27, driver ng motorsiklo, at treasurer sa Barangay Tranghawan; Jasmine Navarra, nobya ni Alex; at si Dory May Lozada, 25.

Base sa police report na isinumite sa Camp Crame, magkakaangkas ang mga biktima sa motorsiklo nang sundan at ratratin ng riding-in-tandem assassins.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay nagmula sa Passi City na pansamantalang huminto sa burger station bago muling sumakay ng motorsiklo kung saan pabalik na sa kanilang lugar nang makasalubong si kamatayan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments