Homeowners secretary, nilikida

BULACAN, Philippines – Napatay ang 36-anyos na sekretarya ng homeowners association matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa pintuan ng kanyang bahay sa Barangay Muzon, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Apat na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ni Minerva Aranjuez, sekretarya ng Vista Verde Subdivision Homeowners Association at residente sa nasabing barangay. Ayon kay PO3 Edward Israel, nasa loob ng bahay ang biktima nang kumatok ang gunman bandang alas-9 ng gabi. Gayon pa man, kaagad naman binuksan ng biktima para kilalanin subalit sinalubong siya ng putok ng baril. Narekober naman sa crime scene ng apat na basyo ng bala ng cal.45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong alitan sa pagitan ng ilang residente laban sa mga opisyal ng nasabing asosasyon.

Show comments