Minero nilikida ng kabaro

CAMARINES NORTE, Philippines – Sabog ang ulo ng 61-an­yos na minero makaraang pagbabarilin ng kanyang kabarong minero sa kahabaan ng Purok 2, Big Vien A sa Barangay Tawig, bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Honorio Dasco, may asawa at nakatira sa nasabing barangay. Batay sa ulat, nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin dakong alas-6:45 ng umaga. May teyorya ang pulisya na nakaalitan ng biktima ang isa sa kanyang kasamahang minero na hindi nabatid ang pagkakakilanlan.

Show comments