P.2-M nilimas ng akyat-bahay

BULACAN, Philippines – Tinatayang aabot sa P.2 milyong cash at mamahaling alahas ang natangay ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos na looban ang kilalang money changer shop sa Barangay Sto.Niño, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Sa ulat ni SPO1 Willie Tadeo, naganap ang insidente sa pagitan ng alauna hanggang alas- 5 ng umaga sa Jolliens Money Changer Shop na pag-aari ni Ildefonso Valbuena. Nabatid na binagtas muna ng mga kawatan ang katabing gusali ng Light of the World Christian Center saka pinasok ang Jolliens Salon and Spa sa pamamagitan ng pagpasok sa butas ng aircon unit nito hanggang sa makaabot sa pakay na establisimyento. Narekober naman sa crime scene  ang bolt cutter, vice grip at dalawang screw driver habang nakatutok ang imbestigasyon sa anggulong inside job.

Show comments