Gasolinahan grinanada

NORTH COTABATO, Philippines – Muli na namang ginimbal ng malakas na pagsabog ang bayan ng Kabacan makaraang hagisan ng granada ang parking area ng gasolinahan sa Rizal Avenue, Barangay Poblacion, kamakalawa ng gabi. Sa impormasyong nakalap kay P/Senior Insp. Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, nagsasagawa sila ng routinary patrol at checkpoint sa mga pangunahing kalye nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog. Agad na tinungo ang pinangyarihan ng pagsabog at kinordon ang area kung saan wala namang may naiulat na nasugatan sa nasabing pagpapasabog. Ito na ang ikatlong pagpapasabog kung saan ang una ay isang gasoline station din sa bayan ng Kayaga at ang ikalawa ay kagabi sa Malvar Street, at sa kahabaan ng national highway na ikinasugat ng lima-katao.

 

Show comments