Magsasaka, itinabla ang buhay sa killer

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Isang katutubong magsasaka ang nagawang makipagbarilan at napatay ang kanyang killer bago ito nalagutan ng hininga sa Sitio Cinacao, Barangay Baretbet sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang napatay na biktima na si Alfredo Ballatong, 46, ng Sitio Kinalabasa, Barangay Amballo habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng killer na napatay din. Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-2:50 ng hapon noong Linggo habang tinatahak ni Ballatong lulan ng truck (RHP284) ang kahabaan ng kalsada nang hara­ngin at ratratin. Sugatan ang biktima at ang dalawang nitong anak subalit nagawang putukan ni Ballatong ang gunman. Kapwa namatay ang dalawa habang nakatakas naman ang kasamahan ng gunman na lulan ng Toyota Vios.

 

Show comments