MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang 63-anyos na matandang driver matapos itong masangkot sa panghihipo ng ari ng babaeng pulis na nagsasagawa ng security operation sa terminal ng bus sa Baguio City, kamakalawa.
Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness at unjust vexation ang suspek na si Danilo Reyes Santos ng Aurora at driver ng Genesis Bus Transport Inc.
Ipinagharap ng reklamo ng biktimang pulis na may ranggong SPO1 at miyembro ng City Public Safety Company ng Baguio City PNP.
Sa ulat ng Cordillera Provincial PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa bisinidad ng Dagupan Bus Terminal sa Gov. Pack Road sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagsasagawa ng paneling at security patrol ang mga miyembro ng CPSC na kabilang ang biktima sa terminal ng bus nang bigla na lamang hipuin ng suspek ang ari ng biktima.
Agad namang inaresto ng mga kasamahang pulis ng biktimang SPO1 ang bastos na driver saka kinasuhan.