Pusher inutas ng kabarong tulak

BULACAN , Philippines – Pinabulagta ang 29-anyos na drug peddler ng shabu matapos itong barilin ng kapwa niya drug pusher sa terminal ng traysikel sa Barangay Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng madaling araw. Isang tama ng bala sa noo na tumagos sa likod ang tumapos sa buhay ni Zend Rick Calma ng Northville 3, Barangay Bayugo sa nasabing bayan. Pinaghahanap naman ang suspek na si Parah “Bukol” Pangkuga Ajinoor ng nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO3 Rafael Brinoza, dakong alas- 4 ng madaling araw nang lapitan at barilin sa noo ang biktima habang ito ay papalapit sa kanyang utol na si Felipe Calma. Ayon sa pulisya, inamin ng utol ng biktima na nagtutulak ng shabu ang kanyang kuya kung saan may malaking halaga ng pagkakautang sa suspek.

Show comments