Magpinsan utas sa road mishap

BULACAN, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa magpinsang lalaki habang kritikal naman ang isa pa makaraang bumangga ang kanilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Barangay San Gabriel, bayan ng Santa Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw. Naisugod pa sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital subalit namatay habang ginagamot ang mga biktimang sina Vincent Porciuncula, 18; at Ronald Porciuncula, 16, habang inilipat naman sa ibang ospital sa Quezon City ang kasama nilang si Marlon Pacheco, 18, mga nakatira sa Brgy. Camangyanan sa nasabing bayan. Ayon kay PO2 Ryan Marcelo, pauwi na ang biktima ng lulan ng motorsiklo mula sa birthday party ng kanilang kaibigan nang sumalpok sa poste ng kuryente sa Sitio Luasan sa nasabing barangay.

Show comments