Magsasaka niratrat sa harap ni misis

CAMARINES NORTE, Philippines – Patay ang isang mister na magsasaka matapos na pagbabarilin ng  limang lalaki sa harap ng kanyang asawa sa Triple A Ranch, Brgy. Paguihaman, Uson, Masbate kamakalawa ng hapon. Dakong alas-5:00 ng hapon nang tambangan ng limang suspek si Abdirico Ruiz Sr. ng Brgy. Del Carmen Uson Masbate habang lulan ng dalang motorsiklo at angkas ang kanyang misis na si Susana at isang Concepcion Ruiz. Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima sa harap mismo ng kanyang asawa. Matapos ang pamamaslang, tinangay pa ng mga suspek ang P1,000 cash, cellphone ng biktima bago tumakas.

Show comments