Dalaga ni-rape slay

Sinisiyasat ng SOCO team ang hubo’t hubad na katawan ng isang hindi kilalang babae na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ng ‘di kilalang salarin sa lugar.  Crsitina Timbang

Cavite, Philippines – Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay at hubo’t hubad sa damuhan na hinihinalang ginahasa rin ng mga hindi kilalang salarin sa Brgy. Toledo, Silang, sa lalawigan kamakalawa

Ang biktima ay tinatayang  nasa edad 22-30, may tattoo na puso na may letrang M sa kanang kamay at flower tatoo sa kaliwang kamay.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Carlito Jimeno, alas-6:30 ng umaga nang i-report ng barangay capatain ng nasabing lugar ang pagkakatagpo sa isang babae na wala ng buhay, duguan at hubo’t hubad.

Isang Arsenio Evangelista, construction worker ang unang nakakita sa katawan ng biktima na tadtad ng saksak sa likod at nakadapa sa damuhan.

Ipinalalagay na ginahasa ang biktima bago pinaslang sa nasabing lugar. Sa kabila nito, hinihintay pa ng pulisya ang medico legal ng biktima upang matiyak na siya ay hinalay.

Show comments