Dalaga utas sa 2 sasakyan

BULACAN, Philippines – Dead-on-the-spot ang biktimang si Myca Manipon, sekretarya, 23, ng Pangarap Village, Caloocan City matapos na masagasaan habang tumatawid ng dalawang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Maharlika, San Jose Del Monte City, Bulacan. Agad na naaresto ang dalawang driver na sina Juan Cesillano, 56 ng Brgy. Minuyan II, San Jose Del Monte City at Daniel Medinilla, 48 ng FVR, Brgy. Bigte, Norzagaray. Base sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi ay kasalukuyang tumatawid ang biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway ng salpukin mula sa kanyang likuran ng isang Toyota Tamaraw FX (UAY-477) na minamaneho ni Cesillano at tumilapon sa kabilang direksyon. Nagkataon namang dumadaan ang pampasaherong bus na JFT Transport (TYX-735) na minamaneho naman ni Medenilla at nasalpok din ito.

Show comments