Opisyal ng Comelec pinabulagta

MANILA, Philippines - Pinagbabaril nang malapitan at napaslang ang isang election officer sa harapan ng isang gasolinahan sa Avanceña, Molo District, Iloilo City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinila­lang si Raymund Valera, 52, election officer sa bayan ng Dumangas, Iloilo.

Sa ulat ng Iloilo City Police, naganap ang krimen sa bisinidad ng nasabing lugar bandang alas -10:00 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon kasalukuyang nasa loob ng kaniyang Isuzu Crosswind sa bisinidad ng nasabing lugar ang biktima nang biglang sumulpot sa lugar ang suspek na sakay ng  taxi at agad na pinagbabaril ang biktima kung saan tatlong putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero nabigo ng maisalba ang buhay nito.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng mga otoridad sa kasong ito, una ay kung may kinalaman sa alitan sa trapiko at ikalawa ay kaugnay ng gaganaping halalan sa Mayo ng susunod na taon.

 

Show comments