Mag-utol, pinsan nalunod

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakipaglibing ang mga biktima sa kanilang lolo kung saan nagpaalam sa mga kaanak na magtutungo sa Sitio Nacagang upang mamili ng gamit. Philstar.com/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang tatlong bata matapos itong anu­rin at nalunod sa ilog sa Sitio Nacagang, BarangayTambingan sa bayan ng Sabangan, Mountain Province kamakalawa. ?

Kinilala ni P/Senior Supt. Oliver Enmodias ang mga biktimang mag-utol na sina Mars Maleptey, 12; Miko Maleptey,11; at pinsang si Uriel Simultog, 11, mga nakatira sa Barangay Data sa nasabing bayan.

?Sa imbestigasyon ng pulisya, nakipaglibing ang mga biktima sa kanilang lolo kung saan nagpaalam sa mga kaanak na magtutungo sa Sitio Nacagang upang mamili ng gamit.

Subalit naisipan ng mga biktima na magtampisaw sa ilog dakong alas-10 ng umaga. Nabatid na hindi marunong lumangoy ang tatlo kung saan magkakasabay na inanod ng malakas na agos ng tubig at tuluyang nilamon ng tubig na limang metrong lalim.

 

Show comments