9 sugatan sa chopper crash

MANILA, Philippines – Siyam na sundalo kabilang ang dalawang piloto ang nasugatan makaraang bumagsak ang Air Force chopper sa liblib na bahagi ng Sitio Lamsalo, Barangay Upper Suyan sa bayan ng Malapatan, Sarangani kahapon ng umaga. Ayon kay Lt. Gen. Aurelio Balabad, papalanding na ang helicopter nang mag-crash land ito dahil sa ma­lakas na hangin. “The nine personnels (pilots, crew and soldiers) onboard said helicopter suffered slight injuries and were already secured,” pahayag ni Baladad. Nabatid na ang chopper ay nagsagawa ng casualty evacuation mission sa mga sundalo ng Army’s 73rd Infantry Battalion na nakasagupa ng mga rebelde.

Show comments