MANILA, Philippines – Laya na ang tatlong miyembro ng mga katutubo o Lumad na dinukot ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Upper Bayugan, Barangay Kitubo, Kitaotao, Bukidnon.
Ito ay matapos na kusang pakawalan umano ng mga rebelde ang mga biktima ilang oras mula nang sila ay dukutin sa mismong pamamahay nila sa Sitio Dao, Barangay White Kulaman, Kitaotao.
Unang pinalaya ng mga rebelde sina Nonoy Paradeo at Jovanie Rebacca at makalipas lamang ng ilang oras ay sumunod na pinakawalan ang isa pang biktima na si Dilly Paradero.
Sa kabila nito, tiniyak ni 403rd IB spokesperson Capt. Lorenzo Siobal, magpapatuloy ang kanilang pursuit operation laban sa nasa 100 miyembro ng NPA dahil sa ginawang pagdukot sa mga biktima.
Sinabi ni Alvarez na ikinagalit umano ng mga rebelde kung bakit ipinasara ng mga opisyal ng barangay ang Mindanao Interfaith Services Foundation Incorporated (MISFI) school kung saan nawalan umano ng trabaho ang isang guro na kaanib ng kilusan.