2 patay sa killer truck

MANILA, Philippines – Dalawa-katao ang namatay makaraang salpukin ng dump truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Cudog, bayan ng Lagawe, Ifugao kamakalawa. Idineklara ng patay sa Ifugao Provincial Hospital ang mga biktimang sina Mhorvelle Dinag-a Buyaco, 18, at Analyn Binwag, 24, mga nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo nang banggain ng dump truck (PHA 744) na minamaneho ni John Mark Hangdaan, 24. Boluntaryo namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng dump truck kung saan nakatakdang kasuhan.

Show comments