Mayoralty bet sugatan sa ambush

QUEZON, Philippines - Hindi pa sumasapit ang itinakdang araw ng pangangampanya ay sasailalim na sa election hotspot ang bayan ng General Nakar makaraang masugatan ang mayoralty bet sa naganap na pananambang sa Barangay Catamblingan, bayan ng General Nakar, Quezon  kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng mga tama ng bala sa magkabilang hita ang biktimang si Elizeo Ruzol, 58, may-asawa, ng Barangay Pamplona. Ayon sa ulat ng pulisya, lulan ng Safari (CGW-111) ang biktima kasama ang tatlong iba pa patungo sa kabayanan nang tambangan pagsapit sa kurbadang bahagi ng bulubunduking barangay. Hindi naman nasugatan ang tatlong kasamahan ni Ruzol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments