Trader inutas ng motorbike thieves

MANILA, Philippines – Patay ang 32-anyos na negosyante matapos itong pagbabarilin ng dalawang motorcycle thieves na tumangay sa kaniyang motorsiklo sa kahabaan ng Sayre Highway sa Barangay Omonay, bayan ng Damulog, Bukidnon kamakalawa ng umaga. Dalawang bala ng cal. 45 pistol sa ulo ang tumapos sa buhay ni Alfredo Cantunao Jr., miyembro ng Barangay Peace Action Team sa Barangay Poblacion. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo rin. Gayon pa man, tumanggi ang biktima na bumaba sa kanyang motorsiklo na pilit kinukuha ng mga suspek. Dahil dito ay pinagbabaril ang biktima kung saan nagawa pang maisugod sa Kibawe Provincial Hospital pero idineklarang patay.

 

Show comments