Mister pinagselosan, dinedo

BULACAN, Philippines – Napaslang ang 36-anyos na mister matapos itong pagsusuntukin ng kainumang lalaki dahil sa matinding selos kamakalawa ng gabi sa Barangay Libtong, Meycauayan City, Bulacan. Naisugod pa sa Santa Clara De Montefalco Hospital subalit idineklarang patay si Jerry Buenaventura, may-asawa at residente sa Metrogate Complex sa Brgy. Loma De Gato, Marilao, Bulacan. Tinutugis naman ang suspek na si Vanny Berces, 19, ng Pinagpala Street sa nabanggit na barangay. Ayon kay SPO1 Willie Tadeo, nakipag-inuman ang suspek at syota nitong si Aila Jane Cruz nang dumating ang biktimang lulan ng motorsiklo. Kinausap ng biktima ang syota ng suspek at isinakay sa kanyang motorsiklo. Namataan naman ng suspek ang ginawa ng kanyang syota kaya hinabol niya ang biktima saka pinagsusuntok hanggang sa bumulagta.

Show comments