Bike vs trike: 3 utas

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang tatlong iba pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang magsalpukan ang motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Baraccaoit, bayan ng Gattaran, Cagayan  kamakalawa ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Edgardo Unista, hepe ng Gattaran PNP, patay ang driver ng motorsiklo na si Marlon Ganoot, 33, ng Barangay Mabuno at ang drayber ng tricycle na si Israel Bareng, 22.

Nabatid na kapwa walang headlights ang motorsiklo at traysikel nang magkasalubong sa madilim na bahagi ng highway dakong alas-6:30 ng gabi.?

Sa lakas ng impact ay tumilapon at nagpagulung-gulong ng ilang metro sina Ganoot at Bareng kasama ang mga katribong Aeta na sina Eric Manuel, 30; Rene Simplicio, 45; Reymond Bareng, 17; at si Robert Antonio, 43.?

Naisugod ang mga kritikal na Aeta sa Cagayan Valley Medical Center subalit namatay si Antonio habang ginagamot. ?

Ayon sa pulisya, positibo ang mga katutubong biktima sa alcohol.

Show comments