Magsasaka dedo sa chief tanod

Hindi na umabot ng buhay sa Norzagaray General Hospital ang biktimang si Fernando San Gabriel ng Sitio La Mesa habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Florante Sarmiento ng nasabi ring barangay. Philstar.com/File

BULACAN, Philippines – Napatay ang 47-anyos na magsasaka matapos itong barilin ng chief tanod sa inuman sa bahagi ng Barangay Pulong Sampaloc sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Norzagaray General Hospital ang biktimang si Fernando San Gabriel ng Sitio La Mesa habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Florante Sarmiento ng nasabi ring barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Isagani Santos, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan sa bakuran ng kanyang bahay nang lapitan at komprontahin ng suspek kaugnay sa matagal na alitan. Gayunpaman, pansamantalang umalis ang suspek su­balit nang bumalik ay binoga ang biktima sa dibdib saka tumakas.

Show comments