5 drug peddlers arestado

BULACAN, Philippines  – Lima-katao ang nasakote sa isinagawang magkahiwalay na drug bust operation sa mga Brgy. Poblacion 1 at Brgy. Abangan Norte sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Danny “Diwa” Buan, may mga kasong kriminal at residente ng Phaze 3, Constantino Subd., Brgy.Poblacion 1; Jennifer Luciano ng Apitong St.,Town and Country Subd. sa Brgy. Abangan Norte; Joeyflor Pagal ng Brgy. Poblacion 1; Dankrist Fontanilla ng Ma. Socorro Subd.; at si Jonathan Dagame ng Saint Michael Subd. sa Brgy. Pandayan sa Meycauayan City, Bulacan.

Sa ulat na isinumite kay P/Supt. Lailene Amparo, sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Buan sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Celso O. Baguio ng Gapan City Regional Trial Court Branch 32 sa Nueva Ecija.

Samantala, nasakote naman ang apat na suspek matapos salakayin ang isang bahay sa Apitong Street  sa Town and Country Subd. Nasamsam sa mga suspek ang 20 plastic sachets ng shabu,  dalawang digital weighing scale, mga drug paraphernalia, pakete ng marijuana at marked money.

 

Show comments