5 patay, 10 sugatan sa pag-aamok ng sundalo sa kampo

MANILA, Philippines – Limang sundalo ang nasawi, habang 10 ang sugatan matapos walang habas na mamamaril ang kanilang kasamahan sa loob mismo ng kanilang kampo sa Basilan.

Nakilala ang suspek na si Cpl. Tahiruddin Taha ng bravo company ng 64th Infantry Battalion na naka base sa Barangay Cabengbeng, Sumisip.

Tumanggi naman si Navy Capt. Roy Vincent Trinidad, deputy chief ng Joint Task Force Zambasulta na pangalanan ang mga nasawi dahil hindi pa ito napapaalam sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Sinabi ni Trinidad na bigla na lamang namaril si Taha habang nagpupulong ang iban sundalo para sa Troops Information and Education bandang 8:45 ng umaga.

Nagpapagaling na ngayon sa military hospital ang mga sugatang sundalo, habang isinasaayos na ang labi ng mga nasawi.

Show comments