Tinedyer pinatay sa inuman

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Jamedel Bermudez habang nakikipaglaban kay kamatayan sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang mga sugatang sina Joel Bermudez, 46; Romeo Canalis, 50; at si Jaymar Canalis, 28, mga nakatira sa Barangay Dayap, bayan ng Agdangan, Quezon. Philstar.com/File

QUEZON, Philippines – Napaslang ang 18-anyos na lalaki habang nasa tatlo naman ang malubhang nasugatan makaraang pagtatagain at pagbabarilin ng dalawang senglot sa inuman sa Sitio Vargas, Barangay Burgos sa bayan ng Unisan, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Jamedel Bermudez habang nakikipaglaban kay kamatayan sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang mga sugatang sina Joel Bermudez, 46; Romeo Canalis, 50; at si Jaymar Canalis, 28, mga nakatira sa Barangay Dayap, bayan ng Agdangan, Quezon.

Tugis na ng pulisya ang mga suspek na sina Jonel Canalis at Rolan Loayon na kapwa nakatira sa bayan ng Mulanay, Quezon.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-7:30 ng gabi ay nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ni Emily Regaria nang dumating ang mga suspek na senglot.

Kinumpronta ng mga suspek ang mga biktima kung bakit hindi sila isinama sa inuman hanggang sumiklab ang mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril at pananaga.

Show comments