Truck vs van: 3 patay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Tatlo-katao ang sinalubong ni kamatayan matapos salpukin ng truck ang van na nakaparada sa gilid ng kalsada sa Barangay Poblacion, bayan ng Tuba, Benguet kamakalawa. ?

Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Jim Hilario, hepe ng Tuba PNP, nawalan ng preno ang truck na minamaneho ni Misael Simbol ng Sampaloc, Manila kaya sumalpok sa nakaparadang van sa gilid ng highway.?

Patay ang driver ng truck na si Simbol kasama ang kanyang helper na si Dalisay Pinlac. Namatay naman habang ginagamot sa Baguio General Hospital and Medical Center si Jonathan Lim, 30, na nasa loob ng van nang maganap ang sakuna dakong alas-12 ng tanghali.

 

Show comments