P2.7 M halaga ng shabu nasamsam

P2.7 M halaga ng shabu nasamsam

MANILA, Philippines - May kabuuang P2.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng anti-narcotics operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang  buy bust  operation sa Bacolod City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang  suspek na si Ritche Gonzales Villanueva, alias Inlay, 40, ng Manapla, Negros Occidental.

Nabatid na nagsagawa ng isang buy-bust operation ang mga otoridad sa kahabaan ng  Lacson St., Barangay Mandalagan na kung saan ay nagpanggap na poseur buyer ang ahente ng PDEA.

Nang mag-abutan na ng items ay dito na inaresto ang suspek at nasamsam ang may 10 heat-sealed transparent plastic sachets na tumitimbang ng 455 gramo.

Kasong paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng  Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa suspek.

Show comments