Trike driver kinatay ng mag-utol

BULACAN, Philippines – Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng lala­king drayber matapos na pagtatagain at saksakin ng magkapatid na kainuman sa isang bahay sa Brgy. Tabe, Guiguinto ng lalawigan kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng mara­ming taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo at naputulan pa ng mga daliri ang biktimang si Royen Dela Cruz, 25, ng Brgy. Tabe.

Inaresto ang suspek na si Reynaldo De Guzman Jr, habang tinutugis ang kapatid nitong si Eduardo de Guzman, 36, kapwa sa Brgy.Tiaong, Bulacan. Dinakip din ang kanilang ama si Reynaldo De Guzman Sr. matapos umano nitong linisin ang crime scene at itago ang ilang mga posibleng ebidensya.  

Base sa ulat ni P/Supt. Julius Ceasar Domingo, masayang nag-iinuman dakong alas-4:00 ng madaling-araw ang biktima at magkapatid na suspek kasama ang isa pang kaibigang si Jaime Navarro, 22 nang pag-usapan nila ang mga kinasasapiang magkaibang fraternity group sanhi ng mainitang pagtatalo at suntuk. Habang umaawat si Navarro, kumuha ang magkapatid ng isang mahabang jungle bolo at kutsilyo saka walang habas na pinagtataga ang biktima.

Show comments