Driver huli sa 1-kilong ‘damo’

NORTH COTABATO, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng isang taxi driver matapos itong makumpiskahan isang kilong pinatu­yong dahon ng marijuana sa inilatag sa PNP checkpoint sa kahabaan ng highway sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Jose Mari Tang ng Marfori Heights sa Matina, Davao City. Ayon sa ulat, patungong Kidapawan City mula sa bayan ng Pikit ang suspek nang sitahin ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Lanao. Gayon pa man, walang maipakitang driver’s license ang suspek kaya sinuri ang loob ng taxi na may plakang AAM 8666. Nadiskubre sa taxi ang isang kilong tuyong dahon ng marijuana, plastic sachet ng shabu, P4,000 cash, at dalawang bala ng cal. 9mm pistol.

Show comments