MANILA, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang dalawang estudyante matapos na malunod sa Navais River sa Mandurriao District, Iloilo City, Iloilo noong Lunes ng hapon. Sa ulat ni P/Inspector Kit Flora, hepe ng Mandurriao PNP Precinct, dakong alas-4 ng hapon nang malunod sina Dion Michael Sabillo, 12; at Ramy Monsale, 13; kapwa Grade VI pupils sa Mandurriao Elementary School sa Barangay Navais. Nakaligtas naman ang apat na mga kasamahang elementary pupils. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na nagkatuwaang maligo sa ilog ang mga biktima kung saan napagawi sa malalim na bahagi ang dalawang biktima kaya naganap ang trahedya.