Tiktik ng PNP, nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinabulagta ang 40-an­yos na tiktik ng pulisya laban sa sindikato ng bawal na droga matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa tapat ng kanyang bahay sa Barangay Marana 1st, Ilagan City, Isabela kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Vicente Valdez, hepe ng Ilagan PNP, nagpapahangin ang biktimang si Arnel Cabalonga sa labas ng bahay nang lapitan at pagbabarilin dakong alas-6:45 ng gabi.

Show comments