15-anyos stude dinedo sa harap ng school

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang 15-anyos na Grade 9 student matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa harap ng Notre Dame High School sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon ng tanghali.

Napuruhan sa dibdib, tiyan at ulo ang biktimang si Mucsir Macapeges, Grade 9 student sa nasabing eskuwelahan ng Notre Dame at nakatira sa nabanggit na bayan.

Sa police report na isi­numite kay Maguindanao PNP director P/Senior Supt. Nickson Muksan, palabas nang school ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki.

Dahil sa takot na naram­daman ng mga estud­yante at guro, kaagad na sinuspinde ang klase sa paaralan.

Nangangalap pa ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa motibo ng gunman sa pagpaslang sa biktima.

Show comments