Ex-councilor itinumba ng tandem

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 46-anyos na dating municipal councilor matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Purok 2, Barangay Bertese sa bayan ng Quezon, Nueva Ecija noong Lunes ng gabi. Base sa police report, naglalakad pauwi ang biktimang si Daniel Lonzanida nang lapitan at ratratin ng riding-in-tandem assassins bandang alas-6:30 ng gabi. Sa follow-up operation, narekober naman ang motorsiklong walang plaka na ginamit ng gunmen malapit sa irrigation canal na may 800-metrong layo sa crime scene. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments