Ferry boat lumubog: 10 nasagip

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang sampung pasahero ng ferry boat matapos na lumubog ang kanilang sasakyang pandagat sa Pinacanauan River sa liblib na Zone 3, bayan ng San Mariano, Isabela noong Sabado. Sa police report na nakarating kay  P/Chief Insp. Arnold Bulan, hepe ng San Mariano PNP, kabilang sa mga nakaligtas ay ang mag-asawang Reynaldo de Jesus at Violeta  de Jesus, dalawa nilang anak, operator ng bangka na si John Salaguinto at lima pang iba na nakalangoy patungo sa kabilang pampang ng ilog. Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng balanse ng ferry boat dahil sa bigat at inanod pa ng malakas na alon kaya sumalpok sa pundasyon ng ginagawang Minanga Bridge.? Kasamang lumubog ng ferry boat ang apat na traysikel, motorsiklo at ang mga personal na gamit ng mga pasahero.

 

Show comments